
Ang ganda ng ating karagatan ang naging dahilan kung bakit ang Pilipinas ay kilala bilang World's Leading Dive Destination.
Nitong March 1 sa Amazing Earth, ibinahagi ni Marco Santos, isang professional dive master, ang kanyang nakikitang mga dahilan bakit ang ating bansa ay nararapat kilalanin sa buong mundo.
Bukod dito, ibinahagi rin niya kay Dingdong Dantes ang top 5 must-visit sites ng mga divers.
Ibinahagi rin ni Dingdong ang kuwento ng iba't ibang hayop na may higit sa isang puso.
Dahil summer na, simula na rin ng ating craving para sa masarap na ice cream. Sa mga adventurous foodies, ibinahagi ni Dingdong kung saan matatagpuan ang mga ice cream na may unique flavors.
Samahan muli sa susunod na Linggo si Dingdong Dantes sa isang makabuluhang adventure sa Amazing Earth.