
Ngayong April 26, magsasama ang Kapuso Primetime King at Asia's Multimedia Star sa isang adventure.
Mapapanood sa Amazing Earth sina Dingdong Dantes kasama si Alden Richards para pag-usapan ang favorite destinations nito sa bansa at iba pang bahagi ng mundo.
May challenge rin na inihanda si Dingdong para kay Alden. Kayanin kaya nito ang speed boat driving lessons?
Abangan ang kanilang adventure sa Amazing Earth pagkatapos ng 24 Oras Weekend.