GMA Logo Dingdong Dantes and Zia Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, ibinahagi kung paano mag-voice-over para sa 'Amazing Earth' kasama si Zia

By Maine Aquino
Published June 12, 2021 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Zia Dantes


Ikinuwento ni Dingdong Dantes kung paano niya ginagawa ang kanyang work-from-home recording para sa 'Amazing Earth' kasama si Zia. Silipin DITO:

Inamin ni Dingdong Dantes na nakakasama niya ang panganay niyang Zia sa paggawa ng voice over para sa Amazing Earth.

Sa ginanap na online media conference para sa 3rd anniversary ng Amazing Earth, ikinuwento niya sa entertainment press kung paano nagsimula ang pagsama ni Zia sa kaniyang work-from-home recording sessions.

Ayon sa Kapuso Primetime King, nagsimula ito nang muling maghigpit ang quarantine protocols kaya naman siya ay nagre-record muna mula sa kaniyang bahay.

"Kasi mula nang magkaroon tayo ng lockdown, I've been doing the voice-over from home and siyempre kinakailangan gawin mo 'yun sa isang tahimik na lugar, sa loob ng kuwarto mo na walang ibang tao."

Kuwento ni Dingdong, ang diskarte na kaniyang ginagawa ay ang pag-record sa gabi. Ngunit dahil hindi makatulog si Zia nang wala siya, pinayagan niyang sumama ang kaniyang anak.

Photo source: Amazing Earth

Pag-amin ni Dingdong, "Si Zia actually may access siya sa isang production side of Amazing Earth na hindi nakikita ng kahit sino, siguro for the past months kung hindi ako. 'Yun ay kung gumagawa na ako ng voice-over."

Saad ni Dingdong, pinayagan niyang sumama si Zia sa kaniyang pagna-narrate para sa programa.

"Madalas ginagawa ko 'yun kapag patulog na sila para wala nang dumadaan na kotse, di na maingay, wala nang tumatahol na aso. 'Yung ganong oras. Siyempre si Zia, hindi siya makatulog na wala ako sa tabi niya, so sinusundan niya ako.

"Sabi ko sige, diyan ka na lang. So ang nangyayari, nandiyan siya sa tabi ko, naririnig niya lahat nung kuwento."

Dahil sa pag-record ni Dingdong ay parang nakakapanood na rin ang kaniyang anak sa mga upcoming episodes ng programa.

"Habang nakikinig siya, parang nanood na rin siya dahil medyo kapag nagna-narrate ako through voice parang plus five animation kumbaga. Parang plus five 'yung effort mo para maging lively 'yung pagsabi mo ng mga words. Nagugulat siya na parang, 'Wow!'"

Si Zia ay may term na raw na ibinigay sa kaniyang ama tuwing nag-iiba ang boses nito.

"May term na nga siya sa akin e, na whenever I use that voice sabi niya 'You're using your Amazing Earth voice again.' So markado sa kaniya."

Saad naman ni Dingdong ay masaya siya dahil alam niyang may natututunan din ang kaniyang anak. Dagdag pa rito ay ang pagkaaliw ni Zia sa ginagawa ng kaniyang ama.

"I think while she's listening to me, I'm sure natututo siya and at the same time naaaliw rin sa akin at natatawa."

Abangan ang pagsisimula ng 3rd anniversary special ng Amazing Earth ngayong June 13, sa bago nitong oras, 7:40 p.m.

Tingnan ang mga dapat abangan sa Amazing Earth anniversary sa gallery na ito: