
Ngayong August 1, maraming exciting na mga kuwentong hatid si Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Isa sa mga dapat abangan ngayong Linggo ay ang blackwater diving. Paano nga ba isinasagawa ang pag-dive sa madilim na karagatan?
Photo source: Amazing Earth
Mapapanood rin ang kuwento tungkol sa hermaphroditism in domesticated animals. Isa sa mga ito ay matatagpuan sa Roxas, Palawan.
Sa episode na ito masasaksihan rin ang mga kapanapanabik na mga kuwento mula sa BBC nature documentary na Spy in the Wild II: The Tropics
Sama na sa exciting na adventure with Dingdong Dantes sa Amazing Earth, 7:40 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Amazing Earth: Bakit nagkakaroon ng mga sinkholes sa Pilipinas?