
Sa episode ng Amazing Earth nitong August 22, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang kuwento ng isang registered nurse turned farmer at aspiring fashion designer.
Photo source: Amazing Earth
Ang registered na si Che Gabuna, ikinuwento ang kaniyang mga natutunan nang siya ay magsimula ng farming at gardening.
Saad ni Che, nagsimula siyang nag-manage ng kanilang farm, agritourism park, at rooftop garden noong 2019.
Isang aspiring Filipino sustainable fashion designer from Cebu naman na si Kin Louie Patiluna, na ipinakita sa Amazing Earth kung paano niya ginawa ang recycled dress gamit ang dahon ng gabi.
Ipinaliwanag din ng batang designer kung ano ang halaga ng pagre-recycle sa ating kalikasan.
Abangan ang iba't iba pang mga amazing na kuwento ni Dingdong Dantes sa susunod na episode ng Amazing Earth.
Amazing Earth: Ano ang urban cycling at ano ang matatagpuan sa Cambugahay Falls?