
Bagong kuwento at bagong adventure ang ating mapapanood ngayong Linggo sa Amazing Earth.
Sa September 5, ibibida ni Dingdong Dantes ang kuwento ni Eduardo Bata, ang veteran Pinoy ranger na nagbigay ng tulong sa Mindoro Tamaraw. Mapapanood din sa episode na ito si Nella Lomotan, isang corporate executive na naging eco-warrior para tulungan ang kagubatan sa bansa.
Abangan din ang kuwento ng isang hermophrodite piglet na matatagpuan sa Roxas, Palawan. Hindi rin magpapahuli ang mga amazing adventures mula sa nature documentary na Spy in the Wild Series 2: The Poles.
Samahan natin si Dingdong Dantes sa kaniyang bagong adventure ngayong September 5 sa Amazing Earth, 7:40 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Amazing Earth: Ang kuwento ng Ibalong Festival at ng Team Harabas