
Ang mapanganib na landslide ay isa sa mga kuwentong ibinahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Photo source: Amazing Earth
Sa episode nitong September 26, ibinahagi ng Kapuso Primetime King ang naganap na landslide sa Sitio Barikir, Brgy. Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela. 23 pamilya ang naitalang naapektuhan ng landslide sa kanilang lugar.
Ayon sa Geologist ng DENR Mines and Geosciences Bureau na si Jethro Capino, may senyales na ibinibigay ang isang landslide. Mayroon ring mga paraan para mabawasan ang peligro na maaaring idulot nito.
Kuwento sa Tubigon, Bohol ang isa ring ibinahagi sa Amazing Earth nitong Linggo. Ang kanilang lugar ay nakilala dahil sa mga mala-waterworld nilang komunidad dahil sa high tide. Napanood nitong Linggo ang dahilan kung bakit naging lubog sa tubig dagat ang kanilang lugar pati na rin ang naging pamumuhay nila dahil sa pangyayaring ito.
Abangan ang mga bagong kuwento na ibabahagi ng Amazing Earth ngayong Linggo sa GMA Network.
Amazing Earth: Ang kuwento ng PWD na magsasaka at ang kanyang hiling para sa mga kapwa magsasaka