
Isang tourist attraction na pinupuntahan ng mga namamanata ang napanood nitong October 31 sa Amazing Earth.
Sa episode na ito, ipinakita ni Dingdong Dantes ang pilgrimage site na matatagpuan sa Garin Farm sa Iloilo.
Napanood din kung bakit isa ito sa mga dapat bisitahin hindi lang ng mga namamanata kung hindi pati na rin ng mga mahihilig mag-travel.
Isa pa sa mga ibinidang kuwento ng Amazing Earth ay ang neo-shamanism. Sa tulong ng isang neo-shamanism practitioner, naipaliwanag ang kahulugan nito.
Napanood rin ang mga tinatawag na modern day witch na nakikita ngayon sa social media. Alamin ang kanilang mga kuwento sa video na ito:
Abangan ang susunod na adventure ng Amazing Earth tuwing Linggo sa GMA Network.
Amazing Earth: Ano ang epekto ng urban gardening?