
Patuloy na umaani ng mataas na ratings ang Sunday infotainment show na Amazing Earth.
Ang Amazing Earth ay hosted by Dingdong Dantes at napapanood tuwing Linggo ng 5:20 p.m.
Ayon sa NUTAM People Ratings, umani ng 5.4% rating ang episode nitong March 6.
Noong February 27, nakakuha rin ng mataas na rating ang Amazing Earth. Ito ay nakatanggap na 4.6% rating ayon sa NUTAM People Ratings.
Sa episode nitong March 6 ay napanood ang pagbisita ni Kuya Kim Atienza sa kaniyang kaibigan na si Dingdong. Sila ay nag-usap tungkol sa ilang mga nakakatuwa at nakaka-excite na mga adventures ni Kuya Kim.
Photo source: Amazing Earth
Salamat sa patuloy na pagsuporta sa Amazing Earth, mga Kapuso!
Samantala, balikan ang amazing photos ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth: