
Ngayong April 10 ay may 200th episode celebration ang tinututukang Sunday infotainment show ng GMA Network na Amazing Earth.
Sa Linggong ito ay samahan natin ang Kapuso Primetime King at award-winning host na si Dingdong Dantes na mag-celebrate ng espesyal na milestone ng Amazing Earth. Bibigyan tayo ng road trip adventure ni Dingdong sa Mt. Oro, Rodriguez, Rizal. Ito ay ang new adventure at new experience para sa ating amazing host.
Photo source: Amazing Earth
Abangan din natin ang kuwento tungkol sa Toothbrush Island sa Cardona, Rizal at ang istorya ng nagmamay-ari ng isla na ito. Magsisimula naman sa Linggong ito ang new nature adventure series na Monster Constrictors.
Sama na sa 200th episode celebration ng Amazing Earth ngayong April 10, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Samantala, balikan ang mga amazing photos ni Dingdong sa Amazing Earth sa gallery na ito: