GMA Logo Glaiza De Castro in Amazing Earth
What's on TV

Glaiza De Castro, mapapanood sa unang episode ng 4th anniversary special ng 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published July 8, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro in Amazing Earth


Samahan natin sina Dingdong Dantes at Glaiza De Castro sa unang episode ng month-long 4th anniversary special ng 'Amazing Earth.'

Punong-puno ng exciting adventures at amazing na mga kuwento ang 4th anniversary ng Amazing Earth.

Amazing Earth GMA

Photo source: Amazing Earth GMA

Sa unang episode ng month-long celebration ng infotainment show ng GMA Network, mapapanood ang ating Amazing Earth host na si Dingdong Dantes kasama ang Kapuso actress at star ng Running Man Philippines na si Glaiza De Castro.

Ibabahagi ni Glaiza kay Dingdong ang kaniyang buhay sa Baler at ipapakita rin ang kaniyang Zumba skills kasama ang mga Zumba enthusiasts sa Luneta Park.

Tampok rin sa espesyal na episode na ito ang emerging YouTuber and content creator na si Spartacus 'Spart' Farnacio para ipakita ang kaniyang buwis-buhay adventure sa El Fraile, isang abandoned battleship sa Manila Bay.

Mapapanood rin ang mga kuwento ni Dingdong tungkol sa Yellowstone National Park. Ang 'Epic Yellowstone: Return of the Predators' ay ang nature-documentary mula sa Smithsonian Channel originally narrated by actor Bill Pullman.

Abangan ang Linggong puno ng aral at adventure sa Amazing Earth ngayong July 10, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Samantala, balikan natin ang mga exciting na mga adventures ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth sa gallery na ito: