
Ngayong July 17, samahan natin si Dingdong Dantes sa bago at exciting na fourth anniversary episode ng Amazing Earth.

Mapapanood natin ngayong Linggo ang ating award-winning host sa kaniyang amazing adventure sa Bagac, Bataan. Sa ikalawang bahagi ng anniversary special ng Amazing Earth ay sasamahan si Dingdong ng Kapuso actress and leading lady na si Max Collins.
Si Max ay magbabahagi ng kaniyang “Island Girl” roots bilang Boracay resident for four years.
Photo source: Amazing Earth
Mapapanood rin sa episode na ito ang supernatural near-encounter ng dalawang cyclists at ng pinaniniwalaan nilang ghosts of Bataan Death March soldiers.
Tutukan rin sa Linggo ang mga bagong kuwento mula sa nature documentary na "Epic Yellowstone: Life on the Wing."
Abangan ang ikalawang bahagi ng fourth anniversary special ng Amazing Earth ngayong July 17, 5:20 p.m. sa GMA Network.
SILIPIN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: