
Isang exciting adventure ang ating masasaksihan ngayong Linggo sa Amazing Earth.
Sa September 25, mapapanood natin sa Amazing Earth ang car camping adventure ni Dingdong Dantes. Ibabahagi sa Amazing Earth ang new hobby ng mga nature adventurers.
Makakasama ni Dingdong ang isang camper para alamin ang basics ng outdoor activity na ito pati na rin pag-set up ng full car camping set.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Ilan pang mapapanood ngayong Linggo ay ang flying fish phenomenon sa Tibiao town at wild adventure sa nature documentary na "Wild Hunters: Reptiles."
Huwag magpapahuli sa Linggong puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.