
Mapapanood ngayong Linggo sa Amazing Earth ang pagbisita ni Lianne Valentin para subukan ang inihandang challenge ni Dingdong Dantes.
Sa darating na October 2, tutungo ang Amazing Earth sa Caiña Ranch, Baras, Rizal. Dito, susubukan ng Kapuso star na si Lianne ang Outdoor Cooking Challenge kung saan kailangan niyang iluto ang Balisungsong.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok pa sa Amazing Earth ngayong Linggo ang mga eleganteng gowns na inspired sa mga pagkaing Pinoy. Mapapanood din natin ang mga amazing na kuwento ng Kapuso Primetime King mula sa nature documentary na “Wild Hunters: Snakes.”
Huwag magpapahuli sa Linggong puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.