What's on TV

Dingdong Dantes, makakasama sina Doc Nielsen Donato at Doc Ferds Recio sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published November 3, 2022 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Nielsen Donato, Doc Ferds Recio, and Dingdong Dantes


Abangan ang kanilang pag-inspect at rescue sa isang eagle ngayong November 6 sa 'Amazing Earth'.

Isang exciting na Linggo ang aabangan sa Amazing Earth dahil makakasama ni Dingdong Dantes ang veterinarian-hosts ng Born to be Wild na sina Doc Nielsen Donato at Doc Ferds Recio.

Sa episode ngayong November 6 ay tutungo sila sa animal rescue center sa Valenzuela Family Park, at tuturuan nina Doc Nielsen at Doc Ferds si Dingdong ng pag-inspect at pangangalaga ng rescued eagle.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Tampok din sa Linggo ang mga kuwento ni Dingdong mula sa nature documentary na “Wild Hunters: Bears.”

Huwag magpapahuli sa Linggo na puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.