
Patuloy na sinusubaybayan at kinagigiliwan ng mga manonood ang mga exciting na adventures ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Panalong panalo sa ratings sa buong buwan ng Nobyembre ang Amazing Earth.
Umani ng 7.8% rating ang episode ng Amazing Earth noong November 6 ayon sa NUTAM People Ratings. Sinundan naman ito ng 8.0% noong November 13 and 20, at 7.6% rating para sa November 27 episode.
Patuloy na subaybayan ang Amazing Earth tuwing Linggo, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito napanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.