
Tinutukan ng mga manonood ang bagong araw at oras ng Amazing Earth!
Simula January 7 ay napapanood na ang Amazing Earth tuwing Sabado sa GMA Network.
Ang unang Saturday episode ng Amazing Earth ay umani ng 12.8% rating ayon sa NUTAM People Ratings. Nakasama ni Dingdong Dantes sa episode na ito ang Kapuso star na si Bianca Umali.
Tampok rin noong Sabado ang kuwento ni Mananggutay Siete, ang Pinoy farmer mula sa Bukidnon na gumagawa ng kape mula sa earthworms at ang kuwento ni Dingdong mula sa nature documentary na Speed Kills: Ocean.
Abangan ang bagong mga amazing na adventure at exciting na mga kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m.
BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH:'