GMA Logo Bea Alonzo
PHOTO SOURCE: @beaalonzo
What's on TV

Bea Alonzo talks about the importance of sustainable living

By Maine Aquino
Published February 13, 2023 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo on sustainability: "I think we have to be responsible"

Bilang isang advocate ng sustainability ay ibinahagi ni Bea Alonzo ang kanyang mga paraan para sa sustainable living.

Ikinuwento ni Bea sa Amazing Earth na isa sa kanyang maipagmamalaki ay ang Beati Firma ay isang sustainable farm.

Kuwento ng Amazing Earth hero kay Dingdong Dantes noong February 11, "It is a sustainable farm, it's also an organic farm."

Bea Alonzo and Dingdong Dantes

Ayon pa kay Bea, may iba't iba silang paraan na ginawa para maging sustainable ang farm.

"We dont use pesticides. Hindi kami nagpapa-spray sa mga mango trees namin or any trees."

Dugtong pa ng Kapuso star, "It's very environmental friendly. First of all hindi na kami gumagamit ng kuryente para magbayad and pangalawa, lahat ng wastes namin nagagamit. Like for example, if we have like a waste from the animals, ginagawa namin siyang pataba. Nagre-repurpose rin kami. 'Pag may nabagsak na puno, automatically magiging fence 'yan."

Para kay Bea, pinapahalagahan niya ang sustainable lifestyle sa usaping climate change.

Ani Bea, "I am very conscious of sustainability. Ang dami kong napuntahan na lugar, and lahat ng napupuntahan kong lugar, even outside of the country, na-experience talaga natin ang climate change. Therefore I think we have to be responsible, kahit in our own little ways na gawan ito ng paraan."

Saad pa ni Bea, kahit sa maliliit at simpleng paraan ay makakatulong ito sa kapaligiran.

"Itong mga bagay na ito, it may seem small pero kung lahat tayo ginagawa yung same things, it could make a diifference."

Panoorin ang kuwentuhan nina Bea at Dingdong Dantes sa Amazing Earth at ang "Catch and Cook" challenge na hinarap ng aktres.

SILIPIN ANG 16-HECTARE FARM NI BEA SA ZAMBALES: