Ken Chan at Rita Daniela, nag-shoot ng prenup sa beach?

Patuloy ang pagpapakilig ng Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela!
Viral ngayon ang kanilang behind-the-scenes photos, na kuha mula sa kanilang lock-in taping sa Bataan, para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Ang Dalawang Ikaw.' Ito ang ikatlong tambalan sa telebisyon nina Ken at Rita matapos ang' My Special Tatay' at 'One of the Baes.'
Ayon sa fans ng RitKen, tila kuha raw ang mga larawan para sa isang prenuptial photo shoot dahil sa kanilang sweetness. Dumagdag pa ang magandang tanawin sa beach, na perfect location para sa kanilang serye.
Makikita rin dito na komportableng-komportable ang dalawa sa isa't isa at walang kiyemeng pumose para sa kamera kaya naman kaabang-abang ang kanilang new series.
Totohanan na kaya ang tambalang Ken at Rita? Kayo na ang humusga below!









