GMA Logo rita daniela
What's on TV

Rita Daniela cooks for 'Ang Dalawang Ikaw' production team as show finishes taping

By Jansen Ramos
Published June 8, 2021 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela


Pinagluto ni Rita Daniela ng special scrambled eggs and kanyang co-stars at production team ng 'Ang Dalawang Ikaw' na aabot sa 100 katao.

Natapos na ang taping para sa upcoming soap nina Ken Chan at Rita Daniela na Ang Dalawang Ikaw noong Biyernes, June 4.

Nakatatlong cycle din ng bubble taping ang bagong Kapuso drama series kaya madali nilang naka-bond ang kanilang mga katrabaho on and off cam.

Grateful si Rita dahil naitawid ang produksyon ng Ang Dalawang Ikaw sa kabila ng COVID-19 pandemic kaya, bilang pasasalamat, pinagluto niya ng special scrambled eggs ang production team na aabot sa 100 katao.

Rita Daniela cooks for Ang Dalawang Ikaw production team

Ikatlong pagtatambal nina Ken at Rita ang Ang Dalawang Ikaw sa telebisyon matapos ang My Special Tatay at One of the Baes.

Sa Ang Dalawang Ikaw, gaganap bilang mag-asawa sina Ken at Rita. Masusubok ang kanilang pag-iibigan dahil sa mental disorder ng karakter ni Ken na si Nelson.

Makakasama rin nila sa upcoming series sina Anna Vicente, Jake Vargas, Dominic Roco, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Anthony Rosaldo, at Jeremy Sabido.

Mapapanood ang Ang Dalawang Ikaw soon on GMA Afternoon Prime.