GMA Logo ang dalawang ikaw pilot episode
What's on TV

Pilot episode ng 'Ang Dalawang Ikaw,' pinag-usapan; viewers, nabitin

By Jansen Ramos
Published June 22, 2021 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ang dalawang ikaw pilot episode


Patuloy na subaybayan ang 'Ang Dalawang Ikaw' Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 'Eat Bulaga,' sa GMA.

Pinag-usapan ang world premiere ng bagong GMA dramang Ang Dalawang Ikaw kahapon, June 21.

Nag-ingay ang RitKen fans sa Twitter nang makita nila muli on-screen ang kanilang mga iniidolong sina Ken Chan at Rita Daniela, na bida sa serye.

Sa katunayan, dalawang topic patungkol sa Ang Dalawang Ikaw ang umangat sa trending list ng Twitter Philippines kahapon.

Trending at number six ang ADINelsonxMia, na nakakuha ng mahigit 13,000 tweets, samantalang nakuha naman ng ADI WORLD PREMIERE, na may mahigit 8,000 tweets, ang ninth spot sa trending list.

Sa pagbukas pa lang ng unang episode ng Ang Dalawang Ikaw ay na-hook na agad ang mga manonood.

Dito, ipinakita ang pagbisita ni Mia, ginagampanan ni Rita, kay Nelson, ginagampanan ni Ken, sa isang psychiatric facility.

Dito ay nagwala si Nelson, bagay na ipinangamba ni Mia.

Humanga naman ang netizens kina Ken at Rita na pang Best Actor at Best Actress daw ang aktingan.

Sa nasabing episode, ipinakita rin ang simula ng pag-iibigan nina Nelson at Mia, na nagkakilala noong sila ay nasa kolehiyo pa lang.

Ipinakilala rin dito si Jo, best friend ni Mia, na ginagampanan ni Lianne Valentin; at si Greg, kuya ni Mia, na ginagampanan ni Dominic Roco.

Makikita rito ang pagkakaiba ng ugali ng mga karakter nina Ken at Rita na lalo pang nagpa-excite sa kwento.

Inilunsad din sa pilot episode ang posibleng triggers na mag-uudyok kay Nelson na ilabas ang kanyang pangalawang persona, na makilala na sa mga susunod pang episode.

Nagtapos ang episode nang mabunggo ni Nelson ang isang lalaki sa restaurant na may hawak na juice.

Ikinagalit ito ng lalaki at bigla na lang sinuntok si Nelson.

Ayon sa isang viewer, parehong "intense" at "bitin" ang nasabing episode.

Bukod sa nakitaan agad ng galing sina Ken at Rita sa pag-arte, pinuri rin ng ilang manonood ang cinematography at editing ng Ang Dalawang Ikaw na mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa konsepto ni Geng Delgado at mula sa panulat ni Lobert Villela.

Mapapanood ang serye Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.