GMA Logo Rita Daniela and Ken Chan
Source: akosikenchan (IG)
What's on TV

Ken Chan shares sweet photo with Rita Daniela

By Aimee Anoc
Published July 6, 2021 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and Ken Chan


Kilig overload, RitKen!

Marami ang kinilig sa ibinahaging larawan ni Ken Chan sa Instagram kasama si Rita Daniela.

Sweet na sweet ang dalawa sa beach habang yakap-yakap ni Ken si Rita. Idagdag pa ang caption ng aktor, "I think one of my favorite feelings is laughing with someone and realizing half way through how much you enjoy them and their existence."

Mahaba-haba na rin ang pinagsamahan ng dalawa simula nang magtambal sa GMA series na My Special Tatay noong 2018. Matapos nito ay sunod-sunod na ang mga serye nina Rita at Ken tulad ng One of the Baes at ang drama nila ngayon na Ang Dalawang Ikaw bilang sina Nelson at Mia.

Sobra ang paghanga nina Rita at Ken sa talento at pagkatao ng isa't isa. Pagbabahagi pa ni Ken na si Rita ang isa sa mga dahilan kung bakit successful ang mga dramang pinagbibidahan nila.

"Isa sa mga dahilan kung bakit nagagawa ko 'yung mga eksena kahit sobrang hirap ay dahil sa 'yo Choi. Isa kang magaling na aktres (Rita Daniela), punong-puno ka ng emosyon at pinapasa mo sa akin lahat ng 'yun," pahayag ni Ken.

Talaga namang kilig overload kapag sina Rita at Ken ang magtatambal dahil sa tindi ng chemistry na mayroon silang dalawa.

Nagsimula nang umere noong June 21 ang serye nila na Ang Dalawang Ikaw na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang tila pre-nup shoot ng RitKen sa gallery na ito: