What's on TV

Pag-switch ni Nelson into Tyler sa 'Ang Dalawang Ikaw,' ikinagalit ng viewers; Mia, nakahanap ng kasangga kay Lucas

By Jansen Ramos
Published July 15, 2021 1:36 PM PHT
Updated July 15, 2021 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Several areas in Mindanao suspend classes due to #BasyangPH
C5 road repairs to begin before rainy season, DPWH says
78,491 bloodbag, nakolekta sa 30 taong bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross

Article Inside Page


Showbiz News

ang dalawang ikaw


Gigil ang Team MiaSon sa pagpapalit ng persona ni Nelson: "Nako Mr. Chavez, u can only pick one na pwedeng isama sa impyerno. Di nalang ako mag say. Basta naka pink siya. Ay."

Pasabog after pasabog! Ito ang dahilan para patuloy na subaybayan ang GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Sa mga nagdaang episodes ng teleserye ngayong linggo, napanood ang pagbabalik ni Nelson (Ken Chan) sa kanyang core persona.

Nalaman din na mayroon siyang dissociative identity disorder (DID) o split personality disorder na dahilan ng kanyang pagpapalit ng personalidad.

Inalalayan si Nelson ng kanyang asawang si Mia (Rita Daniela) para hindi na siya bumalik sa alter personality niyang si Tyler na ikinasal kay Beatrice (Anna Vicente).

Takot si Mia na mawala muli ang mister kaya gagawin niya ang lahat para mailayo lang ito kay Beatrice.

Confused din si Beatrice sa mga pangyayari dahil biktima rin siya ng sakit ni Nelson. Tulad ni Mia, gagawin ni Beatrice ang lahat para bumalik si Tyler sa kanya kaya inakit niya ito ngunit hindi siya nagtagumpay na i-trigger si Nelson na maging Tyler muli.

Kahit mahirap unawain ang DID, inintindi na lang ni Beatrice ang sitwasyon ni Nelson matapos niyang mapatunayan na walang maalala si Nelson sa pagiging Tyler nang ipakita niya ang mga gamit nito gaya ng baril.

Iniligtas pa niya si Nelson mula sa ilegal na transaksyon na involved ang firearm buyer na si Mr. Chavez. Sa kanyang alter, siya ay isang gun smuggler/dealer.

Nasa restaurant sina Mia at Nelson noong mangyari iyon kaya nagulat si Mia nang bigla na lang nawala ang mister.

Sa tulong ni Lucas, (Jake Vargas), nahanap ni Mia si Nelson. Nagalit si Mia dahil magkasama ang kanyang mister at si Beatrice nang matunton nila ang mga ito.

Hiling ni Nelson sa dalawa, magkaayos na at ibinigay naman ito nina Mia at Beatrice alang-alang sa minamahal nilang may DID.

Gayunpaman, sa gitna ng pag-aayos nina Mia at Beatrice, na-trigger si Nelson na bumalik sa pagiging Tyler nang makakita ng lalaking naninigarilyo sa park na nagpaalala sa kanya ng pagmamalupit ng kanyang ama.

Sa Twitter, maraming hindi pumabor sa biglang pagpapalit ng personalidad ni Nelson.

Damang-dama naman ang galit ng isang viewer na ito na nanggigil kay Tyler.

Tweet niya, "NANGIGIL AKO SAYO TYLERR HINDI AKO NATUTUWA SINASAKTAN MO SI MIAAA AWWITTT KAINISSSS at Ito naman ai Beatrice team abangers lang galinggg ehhhh ayaw pang aminin. Tuwang tuwa pagkaswitch ni Nelson to Tyler. Kakagigil."

Para naman sa MiaSon (Mia-Nelson) fan na ito, nakaw na sandali lang daw ang pag-switch ni Nelson into Tyler.

Sabi naman ng isang avid fan ng Ang Dalawang Ikaw na ito, "selfish" at "pa-victim" si Beatrice dahil inabuso niya ang mental health condition si Nelson.

Hirit pa ng nasabing viewer, "Nako Mr. Chavez, u can only pick one na pwedeng isama sa impyerno. Di nalang ako mag say. Basta naka pink siya. Ay." Ang tinutukoy niya ay si Beatrice na may suot na pink crop top sa ilalim ng blazer.

Bumuhos rin ang mga haka-haka online na maaaring si Tyler ay original pesona ni Nelson.

Ayon sa entertainment editor na si Neri Almo, "Baka naman si Tyler ang tunay na persona? 🤔 Sabi kasi ni Beatrice nakilala niya si Tyler na ganun na ang business niya? One year pa lang ang nakalilipas."

Kahit marami ang kontra sa relasyon nina Beatrice at Tyler, nakahanap naman daw ng masasandalan si Mia sa assistant ng psychiatrist ni Nelson na si Lucas.

Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa orihinal na konsepto ni Geng Delos Reyes-Delgado at mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Ang Dalawang Ikaw at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.

Narito ang pasilip sa taping ng Ang Dalawang Ikaw: