
Tumitindi ang mga eksena sa kinagigiliwan at pinag-uusapang drama sa hapon -- ang Ang Dalawang Ikaw.
Sa ikasiyam na linggo ng GMA Afternoon Prime series, sinuway ni Major Alberto (Ken Chan) si Mia (Rita Daniela) matapos pumunta sa inirekomendang hypnosis center ni Beatrice (Anna Vicente).
Sinubukan ito ni Major Alberto para maliwanagan siya sa kalagayan ni Nelson (Ken Chan) na may dissociative identity disorder o multiple personality disorder.
Sa kasamaang palad, ipinagbabawal ito ng psychiatrist ni Nelson dahil maaari itong magdulot ng mas matinding kondisyon.
Nagkatotoo nga ang babala ang doktor ni Nelson dahil naging sanhi ito para magtagpo ang kanyang core persona at dalawang niyang alter na sina Tyler at Major Alberto sa loob ng kanyang isipan habang nasa ilalim ng hipnotismo.
Sa huli, nanatili si Tyler sa katawan ni Nelson dahil sa kakaibang niyang lakas, na labis na ipinangamba ni Mia.
Napilitan naman si Mia na ipadala si Tyler sa isang psychiatric facility para ipagamot doon. Ngunit natigilan si Mia nang malaman niyang kayang kontrolin ni Tyler ang pag-iisip ni Nelson.
Balikan ang episodes ng Ang Dalawang Ikaw mula August 16 hanggang August 20 dito:
Nelson vs. Tyler inside Major Alberto's mind
Bawal na hipnotismo
Pagtatagpo nina Nelson, Tyler, at Major Alberto
Pagkontrol ni Tyler kay Nelson
Paghahanap sa ama ni Nelson
Pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela ang Ang Dalawang Ikaw, kasama si Anna Vicente.
Tampok din sa serye sina Dominic Roco, Jake Vargas, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Pen Medina, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Jeremy Sabido, at mga batikang aktor na sina Sharmaine Arnaiz at Ricardo Cepeda sa espesyal na pagganap.
Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa orihinal na konsepto ni Geng Delos Reyes-Delgado at mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA-7.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Ang Dalawang Ikaw at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.