GMA Logo rita daniela ken chan angela alarcon in ang dalawang ikaw
What's on TV

Angela Alarcon, may cameo sa finale ng 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos
Published September 10, 2021 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela ken chan angela alarcon in ang dalawang ikaw


Abangan kung ano ang magiging papel ng karakter ni Angela Alarcon sa buhay nina Nelson (Ken Chan) at Mia (Rita Daniela) sa pagwawakas ng 'Ang Dalawang Ikaw' ngayong Biyernes, September 10, sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood ang aktres na si Angela Alarcon sa huling araw ng GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Magkakaroon ng special participation ang anak ng dating action star na si Jestoni Alarcon sa serye, ayon sa Instagram post ng GMA Artist Center kahapon, September 9.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter)

Sa post, makikita ang larawan ng mga bida ng serye na sina Rita Daniela at Ken Chan kasama si Angela habang nasa beach.

Hindi idinetalye sa post kung ano ang karakter ni Angela sa Ang Dalawang Ikaw pero may ilang avid viewers ang nagbahagi ng kanilang haka-haka sa Twitter tungkol sa kung ano ang magiging papel ng aktres sa buhay nina Nelson (Ken) at Mia (Rita).

Ayon sa Twitter user na may handle na @_carmelaviray, maaaring anak nina Mia at Nelson ang karakter ni Angela. Posible raw na isunod ang pangalan nito kay Beatrice (Anna Vicente) para magbigay karangalan sa huli matapos ibuwis ang buhay para kay Tyler--alter ni Nelson.


Hirit pa niya, pwedeng si Angela ang gaganap na nakababatang kapatid ni Nelson sa amang si Ernesto (Ricardo Cepeda), at Aling Letty (Rosemarie Sarita)--ang nagtangkang magnakaw ng pera ni Tyler.


Kung ano man ang role ni Angela, paniguradong dapat tutukan ang mga tagpo sa pagtatapos ng Ang Dalawang Ikaw.

Huwag iyang palampasin ngayong Biyernes, September 10, 3:25 p.m., pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.