Article Inside Page
Showbiz News
Para sa batikang aktes na si Celeste Legaspi, hindi nalalayo ang kanyang character sa 'Ang Dalawang Mrs. Real' sa tunay na buhay. May pagkakapareho daw si Aurora sa totoong Celeste, at hindi lamang ito sa pagiging mabuting asawa at ina.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Para sa batikang aktes na si Celeste Legaspi, ipapayo rin niya sa kanyang anak ang mga advice ng character niyang si Aurora kay Millet (Maricel Soriano) sa
Ang Dalawang Mrs. Real.
"Most of the lines that Aurora has on the script, I agree with. Ipapayo ko rin 'yun sa anak ko, I would say those lines. Maybe 'yung magbantay sa asawa, medyo ite-temper ko ng kaunti kasi baka sobra na 'yun in real life. Pero more or less, 'yung mga sinasabi niya ay katotohanan," she says.
May pagkakapareho daw si Aurora sa totoong Celeste, at hindi lamang ito sa pagiging mabuting asawa at ina.
"'Yung mahilig magpalit ng damit, at saka palaging maraming burloloy. Medyo guilty ako doon (laughs). Also 'yung pagiging maalaga sa asawa. Truth is, ganoon ako talaga. I don't know why, but I just like taking care of my family, my husband. It's really part of my life."
Pagdating naman daw sa pagkakaiba nila ni Aurora, Celeste says the number of children is a big factor.
"Ang nakikita kong main difference in our teleserye, si Aurora only has one child. Ako, I have three children, and that makes a lot of difference. Kapag isa lang ang anak mo, iba ang perspective mo sa buhay, iba ang alaga mo sa anak mo, iba ang tingin mo sa mundo," pahayag niya.
Pagpatuloy pa niya, "When you have more than one child, you don't have a lot of time, you have to divide your time. Ang treatment ko sa kanila minsan 'Sige okay na 'yan.' Pero kapag isa lang ang anak mo, [may tendency na] i-spoil mo siya, sobra na ang attention mo sa kanya, and it's not good for the child."