
Muling nang mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang 2014 drama fantaserye na tinangkilik ng lahat, Ang Lihim ni Annasandra.
Simula November 15, muling masisilayan si Annasandra, na gagampanan ni Kapuso actress Andrea Torres, isang mapagmahal na anak na ang tanging hangad ay maibigay ang pangangailangan ng kanyang magulang.
Kabilang sa drama series na ito si Mikael Daez bilang William Benitez, isang mayaman na bachelor na namumuno sa marketing department ng kanyang family business at ang love interest ni Annasandra.
Tampok rin ang Kapuso hunk na si Pancho Magno na gagampanan ang role ni Enrico, ang isang kargador na may lihim na pagtingin at pagmamahal kay Annasandra.
Ang karakter naman ni Rochelle Pangilinan bilang si Esmeralda, na isang misteryosong naninirahan sa bundok, ang naging sanhi sa sumpa ni Annasandra na maging isang awok.
Bukod dito, muling masisilayan din sa Ang Lihim ni Annasandra sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Maria Isabel Lopez, Arthur Solinap, Joyce Burton, Cris Villonco, Gab de Leon, at Erika Padilla.
Ang first sexy fantaserye na ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan, program manager Hazel Abonita, at concept creator na si Wiro Ladera.
Abangan ang pagbabalik ng Ang Lihim ni Annasandra sa darating na November 15, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, muling balikan at kilalanin ang mystifying cast ng Ang Lihim ni Annasandra sa gallery na ito: