GMA Logo Ang Lihim ni Annasandra title card
What's on TV

'Ang Lihim ni Annasandra,' mapapanood na simula November 15 sa GMA Afternoon Prime!

By Dianne Mariano
Published November 11, 2021 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Lihim ni Annasandra title card


Muli nang mapapanood 'Ang Lihim ni Annasandra,' na bibidahan ni Andrea Torres, sa darating na November 15.

Handa na ba kayong muling tuklasin ang ganda ni Annasandra (Andrea Torres) na binabalot ng hiwaga?

Simula sa Lunes (November 15), muli nang mapapanood ang GMA fantaserye na minahal at sinubaybayan ng mga manonood, Ang Lihim ni Annasandra.

Pinagbibidahan ni Kapuso actress Andrea Torres ang karakter ni Annasandra, ang isang mapagmahal na anak na ang tanging hangad lamang ay maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang magulang.

Sa likod ng angking ganda nito ay mayroon inililihim na misteryo. Siya ay isinumpa ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) na maging isang awok habambuhay dahil sa kanyang ama na si Carlos (Emilio Garcia).

Tampok sa afternoon soap na ito si Mikael Daez bilang si William, ang mayaman na lalaking iibig kay Annasandra ngunit hindi naniniwala sa tunay na pagmamahal. Siya rin ang namumuno sa marketing department ng kanyang family business.

Kabilang rin sa fantaserye na ito si Kapuso actor Pancho Magno na gumanap bilang si Enrico, isang binata na mayroong lihim na pagtingin kay Annasandra at handa itong tulungan siya sa anumang oras.

At syempre, muling masasaksihan si Esmeralda, ang karakter ni Rochelle Pangilinan, na isang awok na maghihiganti at magbibigay ng nakakapangilabot na sumpa kay Annasandra.

Mapapanood din dito sina Glydel Mercado, Arthur Solinap, Joyce Burton, Maria Isabel Lopez, Gab de Leon, Cris Villonco,at Erika Padilla.

Ang Lihim ni Annasandra ay sa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan, program manager Hazel Abonita, at concept creator na si Wiro Ladera.

Huwag palampasin ang pagbabalik ng Ang Lihim ni Annasandra sa November 15, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

Samantala, muling balikan at kilalanin ang mystifying cast ng nalalapit na afternoon soap na ito.