GMA Logo Andrea Torres as Annasandra
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Ang bagong buhay ni Annasandra | Week 1

By Dianne Mariano
Published November 22, 2021 10:30 AM PHT
Updated November 22, 2021 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres as Annasandra


Nang dahil sa isang kasalanan ni Carlos (Emilio Garcia), sinumpa ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) ang anak ng una na si Annasandra (Andrea Torres) na maging isang awok.

Sa unang linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, nasawi ang anak ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) dahil nabaril ito ni Carlos (Emilio Garcia) nang makita ang kakaibang anyo nito. Ang anak ni Carlos na si Annasandra (Andrea Torres) ang naging kabayaran sa kasalanan na nagawa ng una kay Esmeralda at sinumpa na maging isang awok.

Kahit ano pa ang sabihin ng ina ni Esmeralda, hindi naman ito nagsisisi sa parusang ibinigay niya kay Annasandra. Nang matuklasan ni Carlos ang tirahan at ang katotohanan kay Esmeralda, nanghingi ng tawad ang una ngunit hindi ito tinanggap ng huli dahil sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang anak.

Ibinahagi ni Esmeralda kay Carlos na maaalis lamang ang sumpa ni Annasandra kapag ito'y namatay at nailabas ang bidhi tulad ng nangyari sa anak ng una.

Hindi naman nakuntento si Esmeralda sa paghihiganti niya kay Annasandra kaya nakaisip pa ito ng plano para sirain ang buhay ng huli. Nagpanggap ito na naging biktima ng isang awok at tinuro ang tahanan nina Carlos at Belinda (Glydel Mercado) upang lusubin ng mga tao.

Hindi rin naman naging madali para sa murang edad ni Annasandra ang mga pagbabago na dumating sa kanyang buhay ngayon na isa na siyang awok.

Matapos maaksidente ni Carlos sa kanyang trabaho, naging malaki ang bayarin nito sa ospital at tinulungan ni Enrico (Pancho Magno) si Annasandra sa gastusin ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagbigay ng pera sa dalaga.

Nang dahil naman sa isang sunog sa palengke, hindi nakaabot si Annasandra sa kanyang bahay sa bago sumapit ang gabi at nagtago sa isang lugar at do'n nag-iba ng anyo bilang awok.

Mayroon kayang nakakita sa pagbabago ng anyo ng dalaga? Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Muling balikan ang mga eksena ng Ang Lihim ni Annasandra dito.

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra is in danger! | Episode 1

Ang Lihim ni Annasandra: Carlos meets Esmeralda | Episode 2

Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda's wicked plan | Episode 3

Ang Lihim ni Annasandra: Major changes in Annasandra's life | Episode 4

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra runs out of time | Episode 5