
Sa ika-anim na linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, labis na nagulat si Annasandra (Andrea Torres) nang lapitan siya ng ina ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) at sinabi na kailangan mag-ingat ng dalaga.
Nang puntahan naman ni Enrico (Pancho Magno) si Annasandra sa kanilang tahanan, natuklasan nito ang nakakakilabot na lihim ng huli at agad lumisan.
Pinuntahan naman nina Annasandra, Belinda (Glydel Mercado), at Carlos (Emilio Garcia) si Enrico sa kanyang tirahan upang ipaliwanag ang sumpa at dinanas ng dalaga sa pagiging awok.
Matapos ikuwento ni Carlos kay Enrico ang buong istorya kung paano nagsimula ang sumpa ng kanyang nag-iisang anak, sinabi rin niya na hawak na ng huli ang buhay at kaligtasan ni Annasandra.
Isang bangkay naman ang natagpuan sa bagong lugar nina Annasandra dahil pinatay ito ni Esmeralda matapos siyang subukan na pansamantalahan.
Muli namang nilagay ni Esmeralda sa kapahamakan ang buhay ng dalaga matapos ibintang sa huli ang pagkamatay ng isang pulis.
Nang dahil sa tunay na pagmamahal ni Enrico kay Annasandra, tinulungan niya ang pamilya nito at pinatuloy sila sa kanyang tahanan upang pansamantalang makatakas sa mga tao na naghahanap sa huli.
Labis naman ang pighati ni Annasandra nang malagay sa kapahamakan ang mga magulang niya dahil sa pagtugis sa kanya ng mga tao.
Mahirap at mabigat man sa loob ng dalaga, kinailangang iwan ni Annasandra ang kanyang ina at ama upang mailigtas ang kanyang sarili.
Patuloy na panoorin Ang Lihim ni Annasandra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ang mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Ang Lihim ni Annasandra: Enrico gets suspicious | Episode 26
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda goes back to her old ways | Episode 27
Ang Lihim ni Annasandra: A hard decision for Annasandra | Episode 30