GMA Logo Ang Lihim ni Annasandra
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Ang pag-iisang dibdib nina William at Lorraine | Week 9

By Dianne Mariano
Published January 18, 2022 10:29 AM PHT
Updated January 18, 2022 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Lihim ni Annasandra


Nasaksihan ni Annasandra (Andrea Torres) ang kasal ng kanyang dating minamahal na si William (Mikael Daez) at Lorraine (Chris Villonco).

Sa ikasiyam na linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, pinangako ni Enrico (Pancho Magno) na ililigtas niya sina Annasandra (Andrea Torres), Esmeralda (Rochelle Pangilinan), at Rosario (Maria Isabel Lopez) mula sa kapahamakan dahil napamahal na siya sa kanila na parang pamilya.

Nagsimula na rin ang pagbabago sa mga buhay nina Annasandra at ni William (Mikael Daez) kasama ang mga taong nagmamahal sa kanilang dalawa. Ngunit, tila hindi naman makalimutan ng dalawa ang dating nararamdaman nila para sa isa't isa.

Sa pag-uusap nina Annasandra at Enrico, sinabi ng una na mamahalin niya ang huli higit pa sa naging pagmamahal nito sa kanyang dating nobyo.

Upang maipakita ang kahalagahan ni Enrico, hinalikan ito ni Annasandra at nasaksihan ito ni William. Matapos makita ang pangyayaring ito, bumalik si William kay Lorraine (Chris Villonco) at humingi pa ng isang chance para pakasalan siya.

Sa tulong naman ni Becca (Erika Padilla), nakahanap muli si Annasandra ng trabaho sa Maynila ngunit may koneksyon pa rin ito kay William dahil may kinalaman ito sa kanyang kasal. Sa muling paghaharap nina Annasandra at ni Kenneth (Arthur Solinap), ibinahagi ng huli na masaya na si William sa kanyang buhay.

Nagkaroon naman ng confrontation sa pagitan nina Annasandra at Enrico matapos malaman ng una ang kasinungalingan ng huli upang layuan siya ni William. Kinumbinsi naman ni Rosario ang kanyang apo na sundin nito kung ano ang makakapagpasaya sa kanya.

Sa mismong araw ng kasal nina William at Lorraine, nasaksihan ni Annasandra ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Pagkatapos nito, muling nagkaharap ang dalaga at ang dati nitong minamahal ngunit hindi nasabi ng una ang katotohanan dahil biglang dumating si Enrico.

Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra rito.

Ang Lihim ni Annasandra: Enrico's promise to Annasandra's second family | Episode 43

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra opens up her heart to Enrico | Episode 44

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra moves on with her life | Episode 45

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra confronts Enrico | Episode 46

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra, the wedding crasher | Episode 47