
Sa ikalabing-unang linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, pinili ni Annasandra (Andrea Torres) na manatili sa piling ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) at sundin ang nais nitong mag-isang dibdib kay Enrico (Pancho Magno) dahil tila nabubuhay ang una sa takot.
Nasorpresa naman si William (Mikael Daez) matapos niyang malaman na si Lorraine (Chris Villonco) ang nagpagawa ng mga pekeng dokumento tungkol sa kasal nina Annasandra at Enrico.
Hindi pa man sila ikinakasal, binabakuran na ni Enrico si Annasandra mula sa dati nitong nobyo. Pinuntahan at binugbog naman ni Enrico si William dahil sa binabalak ng huli na makipagbalikan kay Annasandra.
Sa pag-uusap nina William at Annasandra, sinabi ng huli ang kanyang tunay na nararamdaman sa dati nitong minahal.
Labis na galit ang naramdaman ni Annasandra nang kumprontahin niya si Enrico dahil sa hinala nito na mayroong kinalaman ang huli sa nangyaring pag-atake kay William. Ikinulong naman nina Enrico at Esmeralda si Annasandra sa kanyang kuwarto upang hindi nito mapuntahan ang dati niyang nobyo.
Sa tulong ni Rosario (Maria Isabel Lopez), nakatakas si Annasandra sa kuwarto upang makita at mapuntahan si William. Matinding kalungkutan ang naramdaman ni Annasandra matapos niyang makita ang kritikal na kondisyon ni William.
Nagmakaawa naman si Annasandra kay Esmeralda na pagalingin si William ngunit mayroong kapalit ito. Sinabi ni Esmeralda sa kanyang anak-anakan na pagagalingin niya si William ngunit pagkatapos no'n ay kailangang layuan na ito ni Annasandra at pakasalan si Enrico.
Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's obsessive future husband | Episode 53
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's true desire| Episode 54
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra rejects Enrico's proposal | Episode 55
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's fearless love | Episode 56
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda heals William | Episode 57