
Sa ika-15 linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, muling nagkabalikan sina Annasandra (Andrea Torres) at William (Mikael Daez) matapos nilang ipagtapat ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa.
Nabalot naman ng poot ang puso ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) kaya plano pa rin niya maghiganti kay Annasandra at sa pamilya nito.
Kahit nagbalikan na sina ni William at Annasandra, hindi pa rin nawala ang sumpa ng huli at naging awok nang sumapit ang dilim. Ipinangako naman ni Lorraine (Chris Villonco) na gagawin niya ang lahat upang masira ang relasyon nina Annasandra at William.
Sa muling paghaharap nina Lorraine at Annasandra, hindi na napigilan ng huli na lumaban upang depensahan ang kaniyang sarili mula sa una dahil sa pang-aabuso nito.
Nagtulungan naman sina Enrico (Pancho Magno) at Lorraine upang sirain ang pagmamahalan nina Annasandra at William. Labis na nagulat si Lorraine nang makita ang pag-iba ng anyo ni Annasandra bilang awok at balak nito sabihin kay William ang lihim ng kaniyang minamahal.
Dahil hindi siya pinakikinggan ni William, gagawin ni Lorraine ang lahat upang ibunyag ang nakakakilabot na lihim ni Annasandra.
Nagkaroon ng lakas ng loob si Annasandra na sabihin kay William ang kaniyang sikreto kaya plano nito na makipagkita. Sa kasamaang palad, hindi naging matagumpay si Annasandra dahil siya'y pinadakip ni Lorraine.
Subaybayan ang huling linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, simula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Annasandra and William are back together
Annasandra's chance to break the curse
Enrico teams up with Lorraine
Annasandra's revealing her secret
Lorraine, the evil mastermind