GMA Logo Mikee Quintos
Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar
What's on TV

Mikee Quintos, anong natutunan sa kaniyang karakter sa 'Apoy sa Langit?'

By Maine Aquino
Published April 29, 2022 9:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Mikee Quintos on her role: "Si Ning 'yung pinaka may mabigat na dinadala sa loob."

Inamin ni Mikee Quintos na na-challenge siya sa pagganap bilang Ning sa Apoy sa Langit.

Si Ning ay ang endearing, maganda, matalino, at artistic na anak ni Gemma (Maricel Laxa). Sa kuwento ng bagong Kapuso Afternoon Prime series ay gagampanan ni Mikee ang karakter na may itinatagong mapait na karanasan.

Saad ni Mikee sa virtual media conference ng Apoy sa Langit nitong April 26, si Ning ay may dinadalang takot sa kanyang katauhan.

"Ning here in the story, she has trust issues. So takot rin siyang tumalon sa mga gano'ng kind of lalim sa relasyon."

Mikee Quintos in Apoy sa Langit
Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar



Pag-amin ni Mikee, mabigat ang dinadala ni Ning at sa karakter na ito siya na-challenge bilang isang aktres.

"'Sa lahat ng plinay kong characters, si Ning 'yung pinaka may mabigat na dinadala sa loob. I can say mas mabigat pa sa dinadala ni Maila sa Onanay kasi ito may trauma and nahihirapan siyang i-handle 'yun na kino-consume na siya ng trauma niya. Nahihirapan na siya mamuhay ng normal."

Dugtong pa ni Mikee, "That is masked, you don't see it in her which is harder I think kasi hindi niya nae-express yung gano'n niya masyado."

Inilahad ng Apoy sa Langit star na hirap siyang ipakita ang galit sa isang karakter. Dahil sa tulong ng kaniyang mentor na si Ana Feleo at director na si Direk Laurice Guillen ay nagabayan siya sa pagganap bilang Ning.


Saad niya, "Alam po ito ni Ate Ana, kasi si Ate Ana 'yung mentor ko nga po. Pinakahirap ako sa emosyon sa lahat, 'yung galit. Hirap ako'ng i-express ang galit and because of Ning natutunan kong 'yung levels and kung paano ie-express nga po 'yung galit in different ways. Siyempre, with the help of Direk Laurice (Guillen) din."

Dugtong pa niya nakatulong ang paraan ng paggabay ni Direk Laurice sa kaniyang pag-arte.

"She's very straight to the point with what she wants and that helps me a lot sa mga eksena."

Abangan si Mikee sa world premiere ng Apoy sa Langit ngayong May 2, sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan natin ang ilang scenes sa lock-in taping ng Apoy sa Langit.