GMA Logo Mariz Ricketts in Apoy sa Langit
What's on TV

Mariz Ricketts, first time na nahiwalay kay Ronnie Ricketts dahil sa lock-in taping

By Maine Aquino
Published April 30, 2022 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Ricketts in Apoy sa Langit


Magbabalik sa telebisyon pagkatapos ng 12 taon ang isa sa mga kilalang mahuhusay na aktres na si Mariz Ricketts.

Puno ng pasasalamat si Mariz Ricketts dahil sa kabilang siya sa GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit pagkatapos niyang magpahinga sa showbiz ng labindalawang taon.

Ibinahagi ng kilalang mahusay na aktres ang kaniyang pagbabalik sa pag-arte sa ginanap na virtual media conference ng Apoy sa Langit nitong April 26.

Si Mariz ay gaganap bilang Blessie, ang loyal na kaibigan ni Gemma (Maricel Laxa) at ninang ni Ning (Mikee Quintos).

Kuwento ni Mariz, nakatanggap siya ng offers for comeback projects pero hindi ito natutuloy. Ayon pa kay Mariz, ang Apoy sa Langit ay dumating sa tamang oras para sa kaniya at kanilang pamilya ni Ronnie Ricketts.

"There were offers before pero hindi talaga siya nagma-materialize. Hindi nagpo-progress. Ito lang 'yung project na parang talagang may pinagdaanan and this came to me at the most perfect time. I was ready, my family was ready, Ronnie is ready."

Mariz Ricketts in Apoy sa Langit

Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar

Paliwanag pa niya, napaghandaan nilang mag-asawa na kailangan nilang maghiwalay dahil sa lock-in taping ang set-up ngayong may pandemic.

"Alam ko naman ang set-up ng bagong mundo ng taping, lock-in, pandemic pa rin tayo, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na 'yun."

Dugtong pa niya, "This is the first time na nagkahiwalay kami nang matagal. For twenty-eight years, hindi kami naghihiwalay and then ito 'yung challenge sa amin."

Nalayo man sa asawa at pamilya, nakakita si Mariz ng second family sa cast ng Apoy sa Langit. Bukod kina Maricel at Mikee, kasama rin nila dito si Zoren Legaspi, Lianne Valentin, at iba pang mga mahuhusay na mga artista sa industriya.

Saad niya, "Nag-enjoy ako. Nakakita ako ng second family sa grupo na 'to. I just feel na itong comeback na 'to is really a blessing. Everyone has been so warm and really supportive. Sobrang saya ko and grateful ko talaga.

Nagpasalamat rin si Mariz na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang direktor ng Apoy sa Langit na si Laurice Guillen.

"Sabi ko nga, ito ang ibinigay ng Diyos sa akin. Tapos si Direk Laurice pa ang makakatrabaho ko. Sino nga ba ang hindi pinangarap na makatrabaho at matuto sa kaniya talaga? Sobrang masaya ako talaga and really really grateful."

Abangan ang pagganap ni Mariz na Blessie sa Apoy sa Langit sa world premiere ngayong May 2, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan natin ang ilang mga eksena sa lock-in taping ng Apoy sa Langit.