
Ikinuwento ng multi-awarded actor-director na si Carlos Siguion-Reyna ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang role na Edong sa GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit.
Si Edong ay ang sidekick ni Cesar at ang nakakaalam sa mga lihim nito. Si Cesar ay gagampanan naman ni Zoren Legaspi.
Ayon kay Direk Carlos, excited siya nang mabalitaan niya na kabilang siya sa cast ng Apoy sa Langit.
Carlos Siguion-Reyna in Apoy sa Langit
Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar
"This year, si Direk Laurice basically brought up, proposed I think, na there's a show sa GMA na na-cast ako. I got word from it nga and then yeah, I was excited."
Inamin ng mahusay na aktor at direktor na siya ay natuwa dahil sa bukod si Direk Laurice Guillen ang kaniyang makakatrabaho, nalaman niya ang mangyayari sa character niyang si Edong.
"I didn't even know kung ano 'yung kuwento or whatever, but I knew it was she was directing it. I knew it was a teleserye. Mukhang there is an extensive development on the story of the characters kaya I was excited."
Inilahad rin ni Direk Carlos na gusto niya muling umarte at nataon naman na nabigay sa kaniya ang proyekto na ito.
"I like directing and acting pero dito I want to... gusto ko maglaro e. I want to have fun."
Paliwanag pa niya, "I really like the team at gusto kong... parang ibang muscle, ibang set of muscle naman ang nae-exert. It's related to directing but it's parang mas total immersion ka and you're lost in the situation when you're acting. It's fun, it's playing."
Abangan si Direk Carlos bilang Edong sa Apoy sa Langit ngayong May 2 sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang ilang mga eksena sa lock-in taping ng Apoy sa Langit dito: