GMA Logo Lianne Valentin
What's on TV

Lianne Valentin, na-challenge sa pagpapa-sexy

By Maine Aquino
Published May 16, 2022 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Alamin ang kuwento ni Lianne Valentin kung paano siya nagkaroon ng confidence dahil sa kanyang show na 'Apoy sa Langit.'

Aminado si Lianne Valentin na ang challenge sa kaniyang role bilang Stella ay ang pagpapa-sexy.

Si Lianne ay napapanood sa Apoy sa Langit bilang Stella. Siya ay ang nagpapanggap na anak ni Cesar (Zoren Legaspi) pero ang tunay niyang plano ay mabawi ang lalaking minamahal mula sa asawa niyang si Gemma (Maricel Laxa).

Kuwento ni Lianne sa ginanap na live sa TikTok with the cast of Apoy sa Langit, challenge sa kanya ang pagganap sa isang sexy role dahil kailangan niyang maramdaman ito.

Photo source: Apoy sa Langit

"'Yung kailangan mo talagang maramdaman sa sarili mo is you're sexy, you're daring."

Paliwanag pa ng Kapuso star, madali magdamit ng sexy pero kailangan ay ramdam niya rin ito para makita ng manonood ang karakter na kanyang ginagampanan.

"Ang daling magdamit ng pa-sexy, ng pa-daring, pero 'yung tipong 'yung confidence mo na you're sexy, 'yung aura mo, 'yung energy mo, 'yun 'yung mahirap talaga."

Inamin ni Lianne na ang challenge na ito ay naging daan para ma-boost ang kanyang self-confidence. Kuwento niya, "Throughout our first lock in, mas nagkakaroon ako ng confidence, ng self-esteem."

Saad pa niya, masaya siya sa resulta ng pagganap bilang Stella sa Apoy sa Langit.

"I'm happy sa role ko sobra. It helped me personally din in having confidence."

Tingnan ang mga photos ng morena beauty na si Lianne dito: