GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

'Apoy sa Langit,' panalo sa ratings

By Maine Aquino
Published May 25, 2022 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Parami na nang parami ang nahu-hook sa kwento ng 'Apoy sa Langit!'

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang maiinit na tagpo sa Apoy sa Langit.

Apoy sa Langit

Photo source: Apoy sa Langit

Ang Apoy sa Langit ay pinagbibidahan nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin. Napapanood sila bilang sina Gemma, Cesar, Ning, at Stella sa GMA Afternoon Prime.

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Noong May 23, umani ng 5.2% rating ang episode ng Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings.

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Sa episode na ito, napanood ang mainit na eksena nina Cesar at Stella sa loob ng kotse. Ipinakita rin nitong May 23 ang paghahanda ni Cesar ng date para kay Gemma, habang si Ning naman ay makikitang bad mood si Stella dahil sa kanyang "boyfriend."

Patuloy na sundan ang mga maiinit na eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.