
Nasa 2.8 million views na ang TikTok video ng cast ng Apoy sa Langit na in-upload ni Mikee Quintos sa kanyang account.
Break muna sa mga maiinit na eksena ang cast ng Apoy sa Langit para sa isang TikTok video bonding. Sa video na ito ay kasama niya ang kanyang co-stars na sina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Lianne Valentin, Mariz Ricketts, at Dave Bornea. Sinayaw nila ang “Sun and Moon” ni Anees na trending ngayon sa TikTok.
@mqquintos ♬ Sun and Moon - Martin Heyrosa 🇵🇭
Kinaaliwan naman ang netizens dahil sa gitna ng katuwaan ng cast ay tila in character pa rin si Lianne sa kanyang role na Stella.
Photo source: TikTok: mqquintos
Photo source: TikTok: mqquintos
Saad ng isa sa comments, "stella tiktok lang yan HAHAHAHAHAHA break muna sa pagiging stella.”
Ayon naman sa isang netizen, "pati sa tiktok galit si stella Hahahaha."
Sulat ng isang netizen, "Bat parang galit ka stella? Hahahahhaa."
Silipin naman ang ilan sexiest looks nina Zoren, Mikee, at Lianne sa gallery na ito: