GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

Apoy sa Langit: Stella, ilang ulit na nang-aagaw ng atensyon mula sa tunay na asawa

By Maine Aquino
Published June 17, 2022 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Ginagamit ni Stella (Lianne Valentin) ang kaniyang pagbubuntis para lang makuha ang atensyon ni Cesar (Zoren Legaspi) mula kay Gemma (Maricel Laxa).

Hindi papaawat si Stella (Lianne Valentin) sa kaniyang mga plano na makuha ang atensyon ni Cesar (Zoren Legaspi) mula sa asawa nitong si Gemma (Maricel Laxa).

Ngayong buntis na si Stella, mas madalas na siyang makahanap ng paraan para bigyang pansin siya ni Cesar. Kahit maselan ang pagbubuntis ni Gemma, hindi papaawat si Stella sa pag-iisip ng mga idadahilan para sa kaniya mapunta ang atensyon ni Cesar.

Balikan natin ang ilang mga tagpong ito sa GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit.

Sinabi ni Stella na nasira ang aircon sa kanyang kwarto kaya naman pinuntahan niya ang "ama" niyang si Cesar para ayusin ito. Dahil sa pag-aalala ni Gemma sa pagbubuntis ni Stella, minabuti niyang patulugin si Stella sa kanilang kwarto:


Dahil sa maselan ang pagbubuntis ni Gemma, laging inaasikaso ito ni Cesar. Ngunit ang mga ginagawa ni Cesar ay nagreresulta sa pagseselos ni Stella. Patuloy na gumagawa siya ng paraan para malipat sa kanya ang atensyon nito tulad ng pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo.

Muling nagpanggap si Stella na masakit ang ulo sa kagustuhan niyang masolo si Cesar sa kwarto. Makakaramdam naman ng cramps si Gemma at hahanapin nito si Cesar.


Abangan ang iba pang umiinit na mga tagpo sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.