
Hinangaan ng mga manonood ang pagganap ni Mikee Quintos sa ilang mabibigat na eksena niya bilang Ning sa Apoy sa Langit.
Sa linggong ito, sunod-sunod ang mabibigat na eksena ni Mikee ang ipinakita sa tinututukang GMA Afternoon Prime drama.
Photo source: Apoy sa Langit
Napanood sa Apoy sa Langit ang sinapit ni Ning nang mapalayas siya ng inang si Gemma (Maricel Laxa) at mas paniwalaan sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin). Sinundan naman ito ng pag-trigger ni Cesar sa trauma ni Ning mula sa pagkamatay ng ama.
Sa comments ay inihayag ng online viewers, pinuri nila ang aktres sa mahusay nyang pagganap sa mga nakakaiyak na mga eksena ni Mikee sa Apoy sa Langit.
Saad ng isang netizen, "Grabe ka Mikee nadala ako sa iyak mo"
Komento naman ng isang Kapuso viewer, "Ang galing umarte ni Mikee."
"Bravo!" ang comment ng isang netizen sa pagganap ni Mikee.
Photo source: YouTube
Abangan ang mga mangyayari kina Ning at Gemma sa kamay nina Cesar at Stella sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado 2:30 p.m.
Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon Prime drama online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment website.