
Hindi na mapigil ang excitement ng Kapuso viewers na sumusubaybay sa Kapuso Afternoon drama na Apoy sa Langit.
Sa bagong teaser ng Apoy sa Langit, ipinakita na ngayong linggo ay mapapanood na ang paglabas ng katotohanan sa relasyon nina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Ayon sa netizens, excited na sila sa mga gagawin nina Gemma (Maricel Laxa) at Ning (Mikee Quintos) sa nagpanggap na mag-ama.
"THE WAIT IS OVER" saad ng isang netizen.
Ayon naman sa isang netizen, panahon na para makaganti sina Gemma at Ning sa kasamaan nina Cesar at Stella.
"Excited na ako. Sana nga maparusahan sina Cesar at Stella. Go Ning at Gemma kayo na naman Ang babanat ngayon."
Comment naman ng isa ay ramdam niya na ang gigil sa mga magaganap na mga eksena, "Myghad can't wait pati ako nanggigigil din."
PHOTO SOURCE: YouTube
Ngayong Martes, July 26, mapapanood na ang simula ng mga exciting na mga magaganap sa Apoy sa Langit. Abangan ito Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
NARITO NAMAN ANG MAHUHUSAY NA CAST NG 'APOY SA LANGIT':