
Ibinahagi ni Maricel Laxa kung ano ang masasabi niya sa reaksyon ni Gemma nang mahuli niya sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin) sa Apoy sa Langit.
Ikinuwento ito ng mahusay na aktres sa live stream ng Apoy sa Langit ngayong July 26.
Paliwang ni Maricel na ang reaksyon ni Gemma ay base sa kanyang pagkatao. Si Gemma ay isang mabait na asawa at nanay sa Apoy sa Langit. Ani Maricel, "Ang reaksyon ni Gemma ay talagang diretso sa kung sino man siya.”
"Kahit sa huli iniisip niya si Stella ay anak ni Cesar. 'Yun ang pinanggagalingan na galit ni Gemma, bakit mo 'yan ginagawa sa anak mo at ang tagal-tagal mo na siguro ito ginagawa."
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Sa kanyang pagganap bilang Gemma at sa kaabang-abang na episode ngayong July 26, ipinakita ni Maricel ang kanyang walang kupas na husay sa pag-arte.
Kuwento ni Maricel, "Napasok lang ako sa role ni Gemma at pinagdadaanan niya, I think it's more than enough para mapasabog ka ng gano'n kasi ipon na ipon na ang pinagdaanan ni Gemma."
Dugtong pa ng Apoy sa Langit star, "Sinabayan ko lang kung ano ang nangyayari sa emosyon niya."
Abangan ang mga susunod na mga eksena sa Apoy sa Langit bukas, July 27, 2:30 p.m. sa GMA Network.
NARITO NAMAN ANG PHOTOS NG PAMILYA NI MARICEL LAXA: