
Hindi mapigilan ng mga manonood ng Apoy sa Langit na magalit sa karakter na ginagampanan ni Zoren Legaspi.
Sa episode noong August 18, ay ipinakita sa Apoy sa Langit ang totoong plano nina Cesar at Edong (Carlos Siguion-Reyna). Inilahad dito na nagpabugbog si Cesar para maawa si Gemma (Maricel Laxa) sa kaniya.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Dahil rito, hindi mapigilan ng mga manonood na magalit sa karakter ni Zoren Legaspi dahil sa patuloy nitong paggawa ng masama kay Gemma at pati na rin kay Stella (Lianne Valentin). Matatandaang sinaktan ni Cesar si Stella dahil sa patuloy nitong pagsama sa kaniya.
Ayon sa manonood, kitang kita ang husay ni Zoren sa pagganap bilang Cesar.
"Galing ni Zoren Legaspi 'yung mga [dialogue] niya tagos. Walang kupas," saad ng isang netizen.
Komento naman ng isang manonood, naaawa na siya kay Stella dahil kay Cesar.
"Ang galing nila gumanap nakakaawa si Stella appreciated po sobra... Mr. ZOREN galing."
PHOTO SOURCE: YouTube
Hindi naman napigilan ng isang netizen na magkomento sa kasamaan ni Cesar.
"Nakakalakad pala si Cesar? Hay ayoko n sa'yo Zoren, bad ka. Hahaha"
Abangan ang iba pang mga plano ni Cesar sa huling tatlong linggo ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. sa GMA Network.