
Nalaman na ni Ning (Mikee Quintos) kung sino ang pumaslang sa ama niya sa Apoy sa Langit.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Ngayong August 25, matutuklasan na rin ni Gemma (Maricel Laxa) ang tunay na maysala sa pagkawala ng kanyang asawang si Rey (Ramon Christopher Gutierrez). Haharapin na ng mag-ina si Cesar (Zoren Legaspi) na tunay na dahilan sa pagkasira ng kanilang pamilya.
Ano ang gagawin ni Cesar kina Gemma at Ning? Alamin ang mga magaganap mamaya at sa huling dalawang linggo ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.