
Ilang mga eksena ang tumatak sa mga manonood ng Apoy sa Langit.
Ang mga eksenang ito ay umani ng ilang milyong views, kaya naman kinikilala na ang Apoy sa Langit bilang highest-rating afternoon drama of 2022 at Number 1 program on GMA Network's YouTube channel.
Ilan sa mga eksenang ito ay ang maiinit na tagpo nina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin) at ang pinagdaanang pagsubok nina Gemma (Maricel Laxa) at Ning (Mikee Quintos).
Umani ng 16 million views sa Facebook ang pagtatago ni Stella sa ilalim ng lamesa nang dumating si Gemma. Samantala, ang pag-amin naman ni Stella sa relasyon nila ni Cesar ay nakakuha ng 10 million views.
Ang pagtatapat nina Gemma at Cesar ay nakakuha ng 8.1 million views sa Facebook at ganoon din sa gender reveal episode nina Gemma at Stella.
Umabot naman sa 6.6 million Facebook views ang episode na nanghold-up si Stella at pati na rin sa episode ng pangangati ni Stella dahil sa paghahanap ng atensyon niya kay Cesar.
Parehong 5.9 million views naman ang nakuha sa Facebook ng episode ng pag-aaway nina Stella at Ning. Pati na rin ang pagtabi ni Stella sa kama nina Cesar at Gemma.
Abangan ang iba pang mga exciting na mga eksena na mapapanood sa Apoy sa Langit sa huling linggo nito sa GMA Network.