
Tinutukan ng mga manonood ang inaabangang reunion ng mag-iinang Roselle (Camille Prats), Ara (Shayne Sava), at Bella (Althea Ablan) sa GMA Afternoon Prime series na AraBella.
Based sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 11.7% ang episode ng AraBella kahapon, June 12.
Sa ika-69 na episode ng AraBella, nagkita nang muli sina Roselle at Gwen (Klea Pineda), ang dahilan kung bakit siya nailibing nang buhay.
Ano kaya ang gagawin ni Roselle sa kanyang stepmother ngayong nakabango na siya sa hukay?
Abangan ang huling dalawang linggo ng AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER SA ARABELLA SA MGA LARAWANG ITO: