Meet the cast of GMA Afternoon Prime series 'AraBella'

Ang 'AraBella' ay kuwento ng inang si Roselle (Camille Prats), ang may-ari ng kilalang chocolate confectionery business, at ng kanyang paghahanap sa nawawala niyang anak na si Bella.
Sampung taon na ang nakakalipas, nawala si Bella nang tumakbo ito papalabas ng simbahan dahil pinagalitan siya ng ina niyang si Roselle.
Sa loob ng isang dekada, walang ibang ginawa si Roselle kung hindi hanapin si Bella. Sa dami ng mga dalaga na nagpakilala bilang ang nawawala niyang anak, dalawa ang tumatak kay Roselle - sina Ara (Shanye Sava) at Bella (Althea Ablan).
Ayon sa DNA test, hindi si Ara ang nawawalang anak ni Roselle kahit na malapit ito sa kanyang puso. Ibig sabihin ba ay si Bella ang nawawalang anak ni Roselle?
Bukod kina Shayne Sava, Althea Ablan, at Camille Prats, kilalanin pa ang ibang karakter na dapat abangan sa 'AraBella,' na mapapanood na simula March 6, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'














