Silipin ang mga huling eksena sa 'AraBella'

Mapapanood na mamayang hapon ang finale episode ng isa sa pinakaminahal na serye ng GMA Afternoon Prime na AraBella.
Nakakulong na si Gwen (Klea Pineda) kaya payapa na ang pakiramdam ni Roselle (Camille Prats) na magiging masaya na silang pamilya kasama ang mga anak niyang sina Ara (Shayne Sava) at Jona (Althea Ablan).
Sa pagbisita ni Roselle kay Gwen sa kulungan, nakipagbati na ito para matapos na lahat ng problema nila.
Tanggapin kaya ni Gwen ang pakikipagkasundo ni Roselle?
Bago ang inaabangang finale ng AraBella, narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.





