
Kung sa Prima Donnas ay ang karakter na ni Althea Ablan na si Donna Belle ang pinakamatapang sa magkakapatid tatlong Donnas, mas matapang pa ang karakter niyang si Bella sa AraBella.
Sa panayam ni Althea sa GMA media, inamin niyang nahirapan siyang gampanan ang kanyang karakter na si Bella na laki sa lolo't lola.
"I play the role of Bella. Si Bella ay bida-kontrabida. Laking lolo't lola siya so nandyan ang aking lolo't lola, si Tito Ronnie and Tita Nova. A bit challenging mag-play ng role ni Bella kasi siyempre laking lolo't lola siya, and then mahilig siyang makipag-away," kuwento ni Althea.
"Basta ayaw niya ng bida-bida, naiinis siya sa mga ganun, 'tsaka hindi talaga siya magpapatalo."
Ngayong mahilig isang linggo na lang at mapapanood na ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series na AraBella, hindi na maitago ni Althea ang kanyang excitement.
"Super excited na kasi malapit na, March 6 na kami mag-e-air, so lahat ng pinaghirapan namin is mapapanood na rin ng ating mga viewers, ng mga Kapuso. So, mayron na naman silang aabangan na story, which is 'yung 'AraBella,'" pagimbita ni Althea.
Sa AraBella, makakasama ni Althea sina Shayne Sava, Camille Prats, Wendell Ramos, Alfred Vargas, at Klea Pineda. Parte din ng show sina Abdul Raman, Saviour Ramos, Faye Lorenzo, Mitzi Josh, Nova Villa, at Ronnie Lazaro.
Abangan ang world premiere ng AraBella sa March 6, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ALTHEA SA MGA LARAWANG ITO: